May Purpose na Blog ni Ethereal Kemo :">








"Pahalagahan ang Kultura kaagapay ang Wika tungo sa pag-unlad ng bayang sinisinta."

Magandang Araw o Gabi aking magaganda at gwapong mambabasa. Ako si Kim Ryan Biscocho kasama ni Wally Hernandez, nais ko sanang ibahagi sa inyo ang taos puso naming pinagmamalaking "poster at slogan" ukol sa Wika at Kultura. 

Paliwanag ng Slogan:

Kung ating iisipin sadyang magkatambal na ang dalawang ito, at bilang opinyon, walang makilalang kultura ang tao kung hindi dahil sa nalikhang wika. Wika kasi ang pinaka daluyan ng kaalaman at dahil dito nakakapag-bahagi tayo ng mga kaalaman at interes na siyang nakakapag-himok sa atensyon ng ibang tao. Kultura ay yung mga kinamulatan na nating gawin o kinasanayan, dahil dito nagkakaroon ng disiplina ang tao at layunin sa buhay.

Paliwanag ng Poster:

Sa Aming poster makikita natin ang Alibata na kilala bilang sinaunang pag-sulat ng ating mga ninuno kaya namin nailagay ito sa poster sapagkat isa ito sa paraan na nakapag-pamulat sa ating Pilipino upang magkaintindihan at maunawan ang kung anu man ang ating mga kinagigisnang kultura. Makikita din si Jose Rizal na nakilala bilang isang magaling na manunulat at Bayani ng Pilipinas, naipakita niya ang pagpapahalaga sa Kultura natin sa pamamagitan ng wika, at iyun ay ang pagsulat ng nobela na nakapag-pamulat sa mga Pilipino na lumaban sa mga Espanyol, napag-alaman natin na dahil sa wika nagkaroon tayo ng pagpapahalaga sa Kultura. Makikita din natin ang iba sa mga Pambansang Sagisag tulad ng Puno ng Narra, Bola ng sepak na nagpapatungkol sa larong "Sepak Takraw", nandito din ang Barong na pambansang kasuotan ng mga lalaki,baro't saya naman sa mga babae, Philippine Eagle at ang Watawat ng Pilipinas, kaya namin naisama ang mga ito upang mapatunayan sa inyo na hindi natin makikilala ang mga iyan kung hindi dahil sa Wika, hindi natin makikilala o mababansagan na ang malaking Puno na ito ay Narra kung wala ang wika.

Iyon lamang,Maraming Salamat mga Mambabasa nawa'y meron kayong nakuhang kaalaman. Panatili sana nating igalang at isaalang alang ang sariling atin :) 




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Jhon Francis and Chides Production: