Mga Post

Jhon Francis and Chides Production:

Imahe
Ang bawat Pilipino ay natutunan ang ating kultura sa tulong ng Wikang Filipino, bawat bata ay nabubuksan ang diwa at kamalayan nila sa pagiging isang Pilipino, kaya kung inyong mapapansin ay may bata sa bandang kaliwa ng poster. Habang tumatanda ay kailangan mas magkaroon tayo ng kamalayan sa ating paligid, ang Wikang Filipino ay ang daan upang mas matuto pa ang mga tao ukol sa ating kultura, nabibigyan ang mga tao ng lubos na kaalaman para maipakita ang pagpapahalaga sa kultura at bilang resulta, matatamasa natin ang kaginhawaan at kaliwanagan ng ating buhay. At ang huli ay ang ating kultura kasama ng ating wika ay pinaglaban ng ating mga natatanging bayani, inalay nila ang kanilang buhay at ngayon tayo ay malaya. Sa tulong ng Wikang Filipino ay naipapakita natin ang ating pagpapahalaga sa ating kultura at ang kultura iyon ay ang ating pagkakakilanlan saan man dako ng mundo tayo pumunta, at ipinagmamalaking PILIPINO AKO!

May Purpose na Blog ni Ethereal Kemo :">

Imahe
"Pahalagahan ang Kultura kaagapay ang Wika tungo sa pag-unlad ng bayang sinisinta." Magandang Araw o Gabi aking magaganda at gwapong mambabasa. Ako si Kim Ryan Biscocho kasama ni Wally Hernandez, nais ko sanang ibahagi sa inyo ang taos puso naming pinagmamalaking "poster at slogan" ukol sa Wika at Kultura.  Paliwanag ng Slogan: Kung ating iisipin sadyang magkatambal na ang dalawang ito, at bilang opinyon, walang makilalang kultura ang tao kung hindi dahil sa nalikhang wika. Wika kasi ang pinaka daluyan ng kaalaman at dahil dito nakakapag-bahagi tayo ng mga kaalaman at interes na siyang nakakapag-himok sa atensyon ng ibang tao. Kultura ay yung mga kinamulatan na nating gawin o kinasanayan, dahil dito nagkakaroon ng disiplina ang tao at layunin sa buhay. Paliwanag ng Poster: Sa Aming poster makikita natin ang Alibata na kilala bilang sinaunang pag-sulat ng ating mga ninuno kaya namin nailagay ito sa poster sapagkat isa ito sa paraan